Yosi Break (Di ‘to Kamanyakan, Pramis!)

yosi

Ewan ko ba…

These past few days napapalakas na naman yata ang pagyoyosi ko. Normally, tatlong yosi lang ako per day. Minsan nga wala pa.

Ewan ko ba…

Siguro malungkot lang ako. Emo mode. Masyado lang bored. Toxic sa trabaho.

Ewan ko ba…

Hindi ko alam talaga kung bakit. Kahit ako nagtataka sa sarili ko. Gaya kagabi, habang nasa veranda ako ng flat na tinitirhan ko, dalawang sunod na yosi ang hinithit ko. Nakatingin ako sa kawalan. Napansin kong wala na namang mga bituin sa langit. Pagtingin ko sa unang yosing hawak ko, paubos na pala na hindi ko man lang naramdamang gumuhit ang usok sa lalamunan ko. Nakita ko na lang ang sarili kong nagsisindi ng panibago.

Ewan ko ba…

Siguro alam ko ang tunay na dahilan kung bakit napaparami ang yosi ko pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko. Hindi ko pa kaya. Wala akong lakas ng loob. Next time na lang.

Bahala na.

40 thoughts on “Yosi Break (Di ‘to Kamanyakan, Pramis!)

  1. BASE ba ako? bleh. naunahan ko si kuya kurog. haha!

    may mga times din na ganyan ang nararamdaman ko. haiz. siguro naho-home sick ka lang. why don’t take a break? uwi ka muna dito sa ‘Pinas for a vacation. pampaalis lang ng stress kumbaga.

  2. Hindi ko pa kaya na ano?

    Wala akong lakas ng loob na ano?

    Next time na lang..ngayon na!

    ako rin ganyan minsan, i feel lonely for no reason. buti na lang hindi ako nagyoyosi.

    pray ka lang. before you know it, ok na ulit ang lahat.😀

    • Salamat!

      Kanina, nangangati na naman akong magyosi, kaya hithit na naman ako ng kanser. Pero kalahati pa lang pinatay ko na. Mapait yung panlasa ko sa yosi kanina. Dinaig pa yung pait ng mood ko.🙂

  3. naku naku naku… hahaha! wala akong magandang payo sa iyo. alam mo naman na siguro kung bakit. pareho lang tayo ngayon… (sa yopsi ah, hindi sa…) wahahaha.

    yun oh… uuwi next year.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s