Love Life Status

Ilang araw ko na ring di nabubuksan ang email ng blog ko. Medyo busy sa work at walang time na magbasa ng mga fan mails (feeling amp!).

Nung isang gabi, I decided na buksan ang email ko, bukod sa mga paanyaya nai-text ko sila, mag-coffee at “friendly” EB, may apat na emails akong natanggap na galing sa mga nagbabasa ng blog ko (malamang… kanino pa ba?) at nagtatanong kung na-in love na ba ako, nagkaroon na ba ako ng seryosong relasyon at kung nakikipagrelasyon ako. Hetong sagot ko:

Oo, na-in love na ako [at nasaktan].

Oo, nagkaroon na ko ng seryosong relasyon [at niloko].

Oo, nakipagrelasyon ako [at iniwan].

Ayaw ko sanang pag-usapan ito dito sa blog ko. Masyado kasing makulay (gaya ng sinabawang gulay) at masalimuot ang buhay pag-ibig ko. Magulo. Labo-labo.

Basta ang alam ko, I’m still hunting for that imperfectly perfect one for me. Kahit mas maraming failure kaysa sa success story di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Basta, landi lang ako ng landi. Hindi kasi ako naniniwala na kusang dumarating ang pag-ibig. Aba, kailangan mo ring gumawa ng paraan para mahanap ka niya. Kailangan mo ring lumandi para mapansin ka niya.

Sa ngayon, I’m very much single, ready to mingle, available and loving it. Masaya ang buhay single. Malaya ako. Kahit kanino ko gustong sumawsaw, basta walang sabit, pwede. Walang guilt after ng deed. Pero syempre di ko matatangging masaya at masarap din yung may naglalambing sa’yo, yung may hahalik sa’yo ng walang dahilan, yung yayakap sa’yo ng mahigpit, yung may umaaway sa’yo kasi nagseselos, yung may pinagseselosan ka at higit sa lahat yung naaappreciate kung ano at sino ka.

Status: Naghahanap. Naghihintay. Umaasa.

Pic from: blog.flickr.net/en/2008/02/page/2/
Salamat! Kampai!

76 thoughts on “Love Life Status

  1. aw kakakilig naman tong entry na to. oo masaya nga maging single kasi walang mga hassle o komplikasyon pero tama ka masaya ang may lagi kang kasama, mamahalin ka kung ano ka at laging andyan para sayo. aw! hehe. sana mameet mo na ang iyong booboo o kung ano man ang magiging tawagan nyo.

  2. naku, wag hanapin

    magenjoy lang

    at least ngayon, pwede kang kumant*t kapag gusto ko,,kahit sino

    ahehehe

    wag kang mag-alala, hindi ikaw ang nagiisang single sa balat ng lupa

    at hindi lang ikaw ang nagmahal at nasaktan

    bagamat cliche man pakinggan, pero, life goes on, ika nga

  3. okay…dito mas safe mag-comment…

    dude, just enjoy your single-blessedness. God will provide. darating din siya. just make sure you know what you want… you know what i mean…hehe

    (no offense meant ha, pero naniniwala kasi ako sa kasabihan na… “bi now, gay later”… narinig ko lang yan kay Chico, dj sa RX93.1)

  4. Kakaasar naman eh! Di na ko nakaka-base dito! Ehehe…

    Hmp! Bilis mo naman magkaron ng bagong post! Dumadami tuloy ang kailangan kong habulin sa pagababasa… Buti nalang nabasa ko na to! Ehehe…

    Hmm…

    Ehehehe…

  5. Magkokomento ako dito pang rated 13 ang kwento.

    Pag-ibig, napakasarap kapag dumating, nakamamatay ng kalulwa kapag lumisan.

    Iminumungkahi kong mas mahalin muna ang sarili bago mahalin ang iba.

    At kapag nagmahal dapat ikinukusa at hindi iniuutos.

    Sa bawat talsik ng iyong likido sa taong mahal mo ay kalulwalhatian sa kalulwa.

    Natatawa ka ba sa komento ko? Ako ‘yan..si J.Kulisap

  6. “Oo, na-in love na ako [at nasaktan].Oo, nagkaroon na ko ng seryosong relasyon [at niloko].
    Oo, nakipagrelasyon ako [at iniwan].”

    i like that.. nakakarelate..

    tnx for dropping by.. ex links?

    • Sure.
      Send mo na lang ang resume mo sa email ko then I’ll contact you if you’re shortlisted.
      Tapos scheule kita for interview, “practical” at “oral” tests.πŸ˜›

  7. hmmmnnn…
    wala ako masabi.πŸ™‚

    ako kasi hindi naghahanap, hindi rin naghihintay at hindi umaasa.
    kung meron, eh di meron. kung wala, eh di wala. ganun lang ata eh.

    pero, tama ka. teka, congrats pala chong. may fanmail na! hehe… baka isa sa kanila.πŸ™‚

      • bata ka pa naman eh… hmmnn.
        tsaka darating din yun.πŸ™‚ naku… ewan.
        bigla tuloy ako nakapag-isip na baka lumutin ako.

        question lang:

        Oo, na-in love na ako [at nasaktan].

        Oo, nagkaroon na ko ng seryosong relasyon [at niloko].

        Oo, nakipagrelasyon ako [at iniwan].

        kanino, sa babae o sa lalake?
        at sino hinahanap, inaantay at inaasahan mo? babae o lalake?

          • Patay tayo diyan pare. Hatian ang labanan pare.

            Dapat isa lang, paano kung pantay ang ibigay sayong pagmamahal at pagtingin.

            Baka tumanda kang mag-isa.

            Ikaw ba, gusto mong magkapamilya? Don sa babae, pwedeng magbuntis.

            Kung companionship at walang aalalahaning batang kakala-kala kapag nagugutom, sa lalake, tutal nasubukan mo na din naman sa kapwa mo lalake.

            “yon naman ay pagtingin ko lamang.

            • Huh? Paano naging hatian?
              Syempre kung darating ang panahon na may isang lalaki at isang babae na magbibigay sa akin ng pantay na pagtingin, kailangan kong pumuli ng isa.
              Yung pipiliin ko yung alam kong gusto kong makasama habang buhay.
              Yung gusto kong unang tao na makita ko pagmulat ng mata ko sa umaga.
              Yung gusto kong huling tao na makita ko bago pumikit ang mata ko sa gabi.

              Anak? Gusto kong magkaroon ng anak.
              Pwedeng sa akin (natural method w/ a girl or gestational carrier) o kaya mag-ampon.

              Marami nang options ngayon.

              Ayaw kong magpatali sa mga norm na dinidikta ng society.πŸ˜‰

              • Ok po. Naintindihan ko po yong paliwanag po ninyo Sir. Kailangan po ninyong mamili kapag dumating ang ganung pagkakataon. Naintindihan ko rin po na may sarili kayong paniniwala.

                Pwede pa pong magtanong?

                Bakit gusto po ninyong magkaanak? Paano po ninyo gagampanin ang pagiging isang ama na hindi sinusunod ang hinihingi ng lipunan.

                Salamat po ng marami Sir.

                • Hinihingi o idinidikta?

                  Hinihingi ng lipunan na magkaroon ng mabuting magulang ang bawat bata sa mundo.

                  Idinidikta ng lipunan na para matawag kang mabuting magulang, kailangan umayon ka sa nakasanayan.

                  See the difference?πŸ˜‰

                  • Opo maliwanag ko pong nakita ang pagkakaiba.Salamat sa bagong kaalaman.

                    At alam ko din pong hindi kayo mag-aanak para lang subukan kung paano maging isang mabuting magulang, ninais ‘nyo na po iyon, pero bakit gusto nyo pong magkaanak Sir?

                    • Bakit ko gustong magkaanak? Bakit hindi ko naman gugustuhin?

                      Para may magpatuloy ng kung anumang nasimulan at sisimulan ko. Of course expectation ko lang yan. Pero kung gusto n’yang baguhin kung anuman ang nasimulan ko, siya na ang bahala doon. Basta, may naitatag na akong pundasyon para sa kanya.πŸ™‚

                    • Wow!
                      Open minded conversation.

                      Pareho… Hmmnn. Kung sakali, maaari silang magsalo sa isang puso at laman. Ngunit darating ang panahon na isa lang ang kasama mo – puedeng si babae o si lalake. Depende sa dikta ng puso at isipan… hindi man ayon sa lipunan.

                      Saludo ako sa iyong pananaw. Maging ang isang mabuting ama ay naaayon hindi sa dikta kundi sa nararapat.

                      Good luck chong! Ayan kampai, para sa’yo.πŸ™‚

  8. “Hindi kasi ako naniniwala na kusang dumarating ang pag-ibig. Aba, kailangan mo ring gumawa ng paraan para mahanap ka niya. Kailangan mo ring lumandi para mapansin ka niya.”

    TAMA!!!!! Napanuod niyo ba ang “500: days of summer”. LOL.

  9. true…. hindi yan kusang darating… minsan kailangan ikaw din ang gumawa ng paraan….

    @ Dabo… sabi ni tripper hinahalikan ng walang dahilan… hindi ninanakawan ng halik!!! hahahaha

    @ Ternie… teh, panindigan mo naman ang pagka busilak at dalisay mo… ano vah!!! hahahaha

  10. Hello… Natuwa naman ako sa mga post mo…. Medyo (ubo! Ubo) nakakarelate ako sa mga experiences mo..

    heheπŸ™‚

    Bago pa lang ako sa blog mo… NiceπŸ™‚

    Lets adventure!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s