Starbucks Mountain Climbing

Nagwork ako dati sa Starbucks Coffee. Mahal na mahal ko yung work ko na yun! Bukod sa masaya ako sa ginagawa ko at masayang kasama ang mga katrabaho ko, madami akong nakikilala (na nagigig alam n’yo na!) at marami akong naeencounter na ginagawang social status indicator ang paginom ng kape sa sa coffee shop na yun.

Hindi ko maintindihan kung bakit napaka-imporante ng social status sa mga Pinoy at mas lalong hindi ko maintindihan kung paano naging sukatan at basehan ng social status ang pag-inom ng isang tasa ng kape. Of course, hindi naman lahat ng patron ng coffee shop na pinagtrabahuhan ko ay social climbers… Meron talagang mga sosyal at meron talagang coffee lovers, pero mas ramdam ang presence ng mga mountain climbers doon.

Heto samples… True to life accounts:

Social Climber Teeny Bopper

at ang alamat ng doughnut

Me: Hi!
SSCTB: One dofnat.
Me: Sorry?
SSCTB: One dofnat.
Me: Come again?
SSCTB: [medyo irita na] DOFNAT! Ito o! Ito![sabay turo sa pastry case at irap sa akin]
Me: Oh… Doughnut!
SSCTB: Dofnat, duh?

Cough = Kawf
Dough = Dawf

Oo nga naman… Spells like it, sounds like it!

Tsk.. Tsk.. Tsk… Di yata laking Sustagen si ate.

=================================================

Dalawang Lalakeng mag-BFF

at ang alamat ng bavarian doughnut

LBFF1: Pare, ano bang masarap order-in kasama ng kape?
LBFF2: Doughnut, ‘pre!
LBFF1: Dalawa doughnut nila dito e.
LBFF2: Yung bavarian, ‘pre. Masarap yan! May palaman sa loob.
LBFF1: Anong palaman?
LBFF2: Baboy! [seryoso si kuya sa paniniwalang ito!]
Me: ????

Bavarian = White filling
Hopiang Baboy = White filling

Sigh… Hindi Tikitiki baby si kuya!

=================================================

Japayuki Girl vs My Starbucks Colleague

at ang alamat ng java chip frappuccino

JG: One Java Chip Frapp, Medium
MSC: [preps the bev then call it out]
(after a few minutes… bumalik si JG sa bar na galit na galit, nagsisisigaw at gumagawa ng eksena!)
JG: Bakit ganito ‘tong inorder ko?
MSC: Ano pong problema?
JG: Hindi ninyo prinepare ng maayos. Palitan n’yo ‘to!
MSC: ???
JG: Hindi ninyo masyadong dinikdik yung kape, buo-buo pa! Ang tatanga n’yo!
MSC: [nilakasalan ang boses] Hindi po kape yung buo-buo na sinasabi ninyo. Yun po yung Java Chips. Para pong chocolate chips yun. Buo-buo po talaga yun.
JG: Eh bakit lasang kape kung chocolate yun? [malakas pa rin ang boses at nagtataray pa rin]
MSC: [nilakasan ulit ang boses para marinig ng buong store na nanonood ng eksenang ginawa ni japayuki girl] Kasi po yung frappuccino na in-order ninyo coffee based. Yun po yung lasang kape.
JG: ???? !!!!! [sabay walk-out]

Di ata uso sa kinalakihang probinsya ni ate ang iodized salt at kamusta naman ang social climbing skills ni ate?

=================================================

Seriously, hindi ko alam kug medyo may kahinaan lang sila ate’t kuya o dahil sa pressure ng pagma-mountain climb nila e kung anu-ano tuloy ang nasasabi nila.

Para lang masabing sosyal… Hay buhay!

Ikaw, coffee addict ka ba talaga or social status mountain climber?

Pics from: iserendipity.elusiveness.org, blogs.houstonpress.com
onokinegrindz.typepad.com & dailyshotofcoffee.com
Salamat! Kampai!

44 thoughts on “Starbucks Mountain Climbing

  1. nakow, e shempre kasi mahal ang kape sa starbucks nung kakabukas pa lang nya kaya ang mga “rich” lang ang may afford nito.

    pero kung kape lang at kung kape, mas masarap pa rin daw yung sa dunkin, ayon sa erpats ko.

  2. haha tuwang tuwa ako sa post mong to. ako di ko gaano gusto pumunta sa starbucks. kuripot kasi ako pag dating sa pagkain at drinks. okay na sa akin ang 3 in 1. isa pa ay irita ako sa mga social climber. lalo na pag pa english english pa. hmp! heheπŸ™‚ busy ka siguro m2m, pag weekends ka lang nagbloblog. basta, stay safe! kampai!

    • Pa-english-english with american accent minsan, british accent pa. Hekhekhek.

      Yep, medyo busy sa work. Patapos na kasi ang taon kaya ang daming repot na kailangan tapusin.

      KAMPAI!

  3. ay hanggang sachet lang ang kape ko… specialty ko ang magtimpla ng 3 in 1 na kape… yung bagong lumabas na 5 in 1, hindi ko pa kayang timplahin, medyo mahirap kasi madami ingredients hahahahahahaaha

    regarding the mountaineers, sabi nga ng uber untalented miley cyrus…. it’s the climb hahahahaha

  4. hahaha panalo!!

    I don’t do coffee eh, I do chai tea latte.. and not from your former company… hmm i’m not a climber though, asa tuktok na ako eh ahahaha un un eh

    Hayaan na lang natin ang mga so-cli (pronounced as – “sosy” harhar), munting pangarap nila un ehπŸ˜›

  5. bata pa lang ako, mulat na ako sa kape. grower ng kape ang lolo ko nung buhay pa siya. hindi negosyo. trip lang niya. ang lola ko hanep gumawa ng kape. hindi lasang makina, hindi lasang robot.

    hahahahaha. bakit kaya gusto nung dalawang mag-BF ang Dofnat na may puting palaman. hmmm. pero iba naiisip ko sa bavarian na doughnuts. napanood ko na kasi yung Hostel na part 1. yung scene nung asian girl. shit.

    dalawang linggo ko na hindi nakikita si Bogs. huhuhuhuhu. nung huli kong pagkape dun sa may dorm, tinanong ako nung janitor kung bakit wala daw ako nung anniversary nila (December 4, birthday ng Starbuko dito sa pinas). inumaga ako sa birthday ng isang blogger. biruin mo, ka-bday niya ang Starbuko. sabi nung janitor hindi ko daw tuloy nakita si Bogs kumanta nung anniversary. hay.

    uwing uwi na talaga ako. ngayon Dec 24 ang lipad ko pauwi samin sa Bukidnon. malamig dun samin at minimum pa lang ang tatlong beses na pag-inom ng kape sa isang araw. oo, alam ko may mga namamatay sa sobrang pagkakape. masarap uminom ng kape samin. ang kasabay ko magkape ang lola ko at mga magulang ko, mga totoong mountain climbers kasi totoong bundok ang inaakyat. hindi Starbucks ang kape namin. secret muna yun. hee hee.

    sana hindi muna magkaroon ng Starbucks doon sa amin. huwag muna. hindi pa ako handa.

  6. at sa point of view ng mga kapitalista, this pinoy behaviour what makes starbucks, fitness first et al work. it is not so bad after all.

    sad situation maybe. =(

  7. Haha…
    Adiktus ako sa kape. Hindi ako umiinom ng tubig o kaya softdrinks.

    Black coffee lang.
    Kaya hindi rin ako nagawi sa mga coffee shop at kahit na sa coffee shop rin ako nagtatrabaho…

    Anyway, nakakairita naman talaga ang mga social climbers eh. Well, one cup of starbucks coffee signifies a social status. Kaya naman ang iba masabi lang na may kaya… Bibili, tatambay at magkikipag-ingles-inglesan. Hmmnn… Naaawa ako sa kanila.

    Teka, pakape ka naman. Hahaha!

    Musta na chong? Wala atang kalibugan post mo ngayon…

  8. thank god one of my friends work at starbucks. he usually helps me pick the best beverages. though nothing could beat my Cafe Americano with White Chocolate syrup, its still the easiest one to make.

    • Americano is he easiest!
      Pull a shot of espresso then add water.
      Tapos na!

      Yung sayo may white chocolate. So ang step, pump white chocolate, pull a shot of espresso, dissolve white choco with espresso then add water!

      Miss ko na mag-bar!

  9. Isang indikasyon na pwedeng ihalintulad ang pagpasok sa Starbucks na may kwarta ang kustomer. Hindi pwede ang nagtitipid dito. Mahal ang kape, may bula lang, may lalagyang nakaukit ang pangalan ng tindahan at straw na iba sa karaniwan..isang kape laban sa 12 tasang kape naming mahihirap.

    Minsan pinakain ako ng ka-date ko sa Starbucks, yong tinapay na kinain ko at niya iisa naman. Siya sarap na sarap, samantalang ako..pinipilit kong lulunin..mayapa (rough) ang texture parang may ipa (balat ng palay)..mahal, katumbas na ng 10 balot na tinapay sa kanto pero mas nasasarapan pa ako sa tinapay na medyo dinadapuan ng langaw.

    Wala namang nakapaskil na pagpapaunawa sa mga parokyano na ‘yaon ay para sa mga sosyal lamang, basta may kwarta ka. At basta makakuha ka ng larawan doon sa tindahan, medyo nakataas pa ang tasa na may imprentang Starbucks…uy..sosyalin.

    Neg Sterbox ako.

    Magandang araw at Maligayang Pasko po Sir.

    • Kung kaya mo naman bumili, wala naman sigurong masama na maging luho ang pag-inom ng mamahaling kape.
      Kumbaga, regalo mo sa sarili mo.
      Pero ang masklap eh kaya mo ginagawang luho ito para magkunwari at maging isang nilalang na hindi naman ikaw.

      Maligayang pasko rin sa iyo, bossing!

  10. Pinakanakakabwisit ung kakilala ko na dala dala pa ung alm0st empty frappe nya kng saan saan sa mall. Almost empty ayaw pa itapon… Climbing talaga siya.

    Great post, eye opener s mga posers.

  11. haha. nakakatawa naman.

    coffee addict ako. regular patron ako ng isang chinese eatery cum coffee shop dito samin pero i never tried starbucks. baka kasi mapagkamalan akong walang pambayad because i looks like a high school student. haha.

  12. Bakit ganun, Starbucks lang ang alam nila? Tsaka ang laging inoorder eh yung mga frappe.

    May nakita akong ganiyan, isang buong album puro mukha niya sa Starbucks na hawak ang kanyang mocha frappe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s