Simula ng Return of the Comeback!

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ‘tong entry na to. Halos anim na buwan akong nawala at ang huli kong post e nagpromise ako na magiging visible na ulit sa blogosphere. Pero nag-ala Miriam Defensor ako, “I Lied”. Nakakahiya sa mga sumubaybay at sumusubaybay pa sa blog kong ‘to.

Bakit nga ba ako nawala?

Sa totoo lang, nawalan ako ng gana. Parang na-“I don’t fil eyni freyshur right now” ako sa mga kalokohan ko. Parang ang iniisip ko, dapat mas kwela at mas titillating yung susunod kong post kumpara doon sa huli. Kaya hayun, lahat ng nacompose ko na na entries, natengga kasi pakiramdam ko they’re not good enough para i-post. Tapos kung ngayon ko naman ipo-post, parang irrelevant na. Oo, may pagka-abnormal ako. Nakalimutan ko na bago ko binuo ‘tong blog na ‘to sinabi ko sa sarili ko na I’ll keep it real. Kung paano ako magkwento sa kaibigan ko tungkol sa mga kalokohan ko sa mundo, ganoon din ang gagawin kong pagkwe-kwento dito.

Isa pang rason, medyo nagpang-abot ang buhay blogosphere ko sa totoong buhay ko. Kaya mas lalong naging komplikado. Labo-labo. Nakalimutan ko na bago ko binuo ‘tong blog na ‘to sinabi ko sa sarili ko na magkaiba dapat ang mundong ginagalawan ko sa mundong sinusulat ko lang. Meaning, masyado kong sineryoso ang blog ko at yung mga taong dumating sa buhay ko dahil sa blog ko na kahit alam ko naman na hindi dapat. Pasensya na, pero may mga tao talagang walang kwenta na dumating sa buhay ko nung time na yun at ako namang tatanga-tanga nagpa-welcome party pa ng bonggang-bongga! Hayun, gumulo lang tuloy ang magulo ko nang katinuan. Natuluyan tuloy.

Ang hirap talaga kapag nakakakalimot sa sarili! Hehe.

Isang taon na ang blog ko. Sa palagay ko ito ang tamanag panahon para mag-return of the comeback. Kung si Pedro Penduko nga nakabalik. Kung si Darna nga na-revive. Kung Si Marimar nga naging hit ulit…

Ako pa?

Pics from: moviesandhousemusic.blogspot.com
Salamat! Kampai!