Simula ng Return of the Comeback!

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ‘tong entry na to. Halos anim na buwan akong nawala at ang huli kong post e nagpromise ako na magiging visible na ulit sa blogosphere. Pero nag-ala Miriam Defensor ako, “I Lied”. Nakakahiya sa mga sumubaybay at sumusubaybay pa sa blog kong ‘to.

Bakit nga ba ako nawala?

Sa totoo lang, nawalan ako ng gana. Parang na-“I don’t fil eyni freyshur right now” ako sa mga kalokohan ko. Parang ang iniisip ko, dapat mas kwela at mas titillating yung susunod kong post kumpara doon sa huli. Kaya hayun, lahat ng nacompose ko na na entries, natengga kasi pakiramdam ko they’re not good enough para i-post. Tapos kung ngayon ko naman ipo-post, parang irrelevant na. Oo, may pagka-abnormal ako. Nakalimutan ko na bago ko binuo ‘tong blog na ‘to sinabi ko sa sarili ko na I’ll keep it real. Kung paano ako magkwento sa kaibigan ko tungkol sa mga kalokohan ko sa mundo, ganoon din ang gagawin kong pagkwe-kwento dito.

Isa pang rason, medyo nagpang-abot ang buhay blogosphere ko sa totoong buhay ko. Kaya mas lalong naging komplikado. Labo-labo. Nakalimutan ko na bago ko binuo ‘tong blog na ‘to sinabi ko sa sarili ko na magkaiba dapat ang mundong ginagalawan ko sa mundong sinusulat ko lang. Meaning, masyado kong sineryoso ang blog ko at yung mga taong dumating sa buhay ko dahil sa blog ko na kahit alam ko naman na hindi dapat. Pasensya na, pero may mga tao talagang walang kwenta na dumating sa buhay ko nung time na yun at ako namang tatanga-tanga nagpa-welcome party pa ng bonggang-bongga! Hayun, gumulo lang tuloy ang magulo ko nang katinuan. Natuluyan tuloy.

Ang hirap talaga kapag nakakakalimot sa sarili! Hehe.

Isang taon na ang blog ko. Sa palagay ko ito ang tamanag panahon para mag-return of the comeback. Kung si Pedro Penduko nga nakabalik. Kung si Darna nga na-revive. Kung Si Marimar nga naging hit ulit…

Ako pa?

Pics from: moviesandhousemusic.blogspot.com
Salamat! Kampai!

25 thoughts on “Simula ng Return of the Comeback!

    • Sorry naman. Madaming nangyari during my 6 months hiatus.

      Split, meet, boom boom pow, rejection at kung anu-ano pang shit! LOL.

      Tuloy na tuloy na to. Wala nang atrasan.

  1. ayan o! welcome back m2m! no one missed you like I do๐Ÿ™‚ nag offline message pa ata ako sayo e di ka sumagot. welcome back! sana for good na ngayon ha. mwahs!!!

  2. haha buti naman na touch ka haha๐Ÿ™‚ alam na alam ko na kung ano ang gusto mong ikwento ko..boom boom pow moments no? haha KAMPAI! again welcome back๐Ÿ™‚

  3. Sira!๐Ÿ˜›

    Syempre bukod doon (LOL) may isa ka pang ikwekwento. Napa “huuuuuwwwwaaaaaattttt???” at “look to the sky and bend” ako nung nakita ko yung latest entries mo.

  4. Ayun oh! Welcome back pare (ulit)!๐Ÿ˜€

    Magkaiba ang mundong ginagalawan at mundong isinisulat mo. Paano nga ba nagkaiba, kung “you want to keep it real”? And most if not all that what were written are actual fucks facts. LOL

    HAPPY 1ST BLOG ANNIVERSARRY MANINHEAT!

    • Based on fucks facts naman talaga ‘tong mga kwento ko. Kaya lang minsan nakakadrain kung paano ko siya ipepresent artistically. Nyahaha.๐Ÿ˜›

      Salamat, Ginoong Patpating Talinghaga! Kampai naman dyan!

  5. Hey, pare… happy anniversary at welcome back sa blogging world.

    Na-miss ko din mga kalokohan mo. Nakalalungkot na madami na ang tumigil sa pagba-blog pero at least bumalik ang isa mga inspiring at mahusay (also, titillating) peeps. Mukhang pareho tayong na-ispire lately to come back to blogging after every-all that happeneds to our selves. Antayin ko mga kwento mo… Keep blogging!

  6. Hayyy. Kelan ko kaya makaka eyeball si maninheat? Malapit na ko umalis dito sa Singapore. Sana makadate ko man lang sya kahit isang beses lang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s