Universal Studios Singapore

Nung Lunes, nagpunta kami sa Universal Studios Singapore (USS). Actually, matagal nang bukas ang USS pero hindi lahat ng rides. Kaya sinugurado muna namin na bukas na lahat ng rides bago kami pumunta para sulit. Mahilig kasi akong sumakay sa mga boys rides. Isa yata ako sa mga taong pinagpala ng kawalang kalulaan.

Siyempre, di naman ako masyadong excited kahapon. 10am ang bukas ng USS pero 9:30am pa lang, nandoon na kami. Halos sarado pa yung mga shops sa Sentosa kaya naupo na lang kami malapit sa entrance ng USS para siguradong kami ang una. See… Di kami masyadong excited.

Here are some pictures from my one-day-escape-from-reality.

Ito ang newest attraction sa USS. Kakabukas lang last December kaya mahaba ang pila, 1 hour ang wait time para ma-experience ang ride. Kaya habang nasa pila, nag-hunting na lang ako ng mga eye candies para hindi ako mabore ng todo. Hayun at di naman ako nabigo (yung guy na nasa bottom nung pic. Hhhmmm… I wonder, bottom din kaya siya?) Simula nung pumila kami, hindi na naalis ang tingin ko sa kanya. Kaya lakas loob, pinicturean ko siya. Souvenir.

For some strange reasons, hindi namin natyempuhan yung show. Ang balita ko pa naman mga pinoy ang mga featured B-Boys sa street show na ‘to. In fact, mga dating members sila ng Streetboys! Tawag nila sa group nila, “Rockafellas – Streetboys”. Gusto ko pa naman mameet at mahalikan sina Meynard at Nicko!

Isa rin ‘to sa bagong attractions sa USS. Mas OA ang pila dito. 1hr and 20 mins ang wait time para sa ride pero sulit naman. May nakasabay kami na mag-jowa after nung last surprise nung ride, basang-basa si lalake at dahil nakaputi siya… Alam na kung anong view ang nasaksihan ko.

I enjoyed this show! Pre-show activities pa lang, panalo na. Hindi ako masyadong nakakuha ng pic during the show. Masyado akong naentertain, nakalimutan kong mag-picture. Okay, fine… Cute kasi yung isang actor na Singaporean. Too bad, maaga sya namatay sa kwento.

Fave ride! I’m a sucker for you-know-what (wink…wink) and roller coasters. Mas nag-enjoy ako sa Cylon (Blue Track, suspended RC) compared sa Human (Red Track, seated RC). During our visit never humaba ang pila dito sa ride na ito. 5 mins lang ang wait time kaya na-sulit ko ng husto. 1 time sa Human at 5 times sa Cylon. Hell yeah!

Isa pa ito sa mga na-enjoy ko na ride at view (ehem, ehem) Hindi ko maintindihan kung bakit naka-stilts sila kuya? Balak ko pa naman na kapag nagpapicture ako with them, eh yayakap ako. Group hug ang drama eh, bakit ba?

Isa pang pic. Grabe, pinagpapawisan sila kuya. Ang sarap… Ang sarap nila punasan ng pawis.

Meron pang ibang rides kami na nasakyan pero di ko na nakuhanan ng picture. It’s either busy ako sa pakikipagkwentuhan habang nasa pila or nakalimutan kong magpicture.

Sobrang nag-enjoy ako kaya napabili ako ng wala sa oras ng annual pass para anytime kong gustong makita sila kuya egyptian eh pwede akong dumalaw sa kanila.

Wholesome post para sa isang wholesome na experience.

4 thoughts on “Universal Studios Singapore

  1. pwes di ako sanay ng wholesome post! charot!

    nagbalik na pala ang superstar ng blogosphere haha! para ka lang si ate guy na nawala then bumalik! LOL

    dahil inggitero ako pupunta ako sa SG sa december!hmp kala mo ikaw lang makaka USS ha hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s