Love Life Status

Ilang araw ko na ring di nabubuksan ang email ng blog ko. Medyo busy sa work at walang time na magbasa ng mga fan mails (feeling amp!).

Nung isang gabi, I decided na buksan ang email ko, bukod sa mga paanyaya nai-text ko sila, mag-coffee at “friendly” EB, may apat na emails akong natanggap na galing sa mga nagbabasa ng blog ko (malamang… kanino pa ba?) at nagtatanong kung na-in love na ba ako, nagkaroon na ba ako ng seryosong relasyon at kung nakikipagrelasyon ako. Hetong sagot ko:

Oo, na-in love na ako [at nasaktan].

Oo, nagkaroon na ko ng seryosong relasyon [at niloko].

Oo, nakipagrelasyon ako [at iniwan].

Ayaw ko sanang pag-usapan ito dito sa blog ko. Masyado kasing makulay (gaya ng sinabawang gulay) at masalimuot ang buhay pag-ibig ko. Magulo. Labo-labo.

Basta ang alam ko, I’m still hunting for that imperfectly perfect one for me. Kahit mas maraming failure kaysa sa success story di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Basta, landi lang ako ng landi. Hindi kasi ako naniniwala na kusang dumarating ang pag-ibig. Aba, kailangan mo ring gumawa ng paraan para mahanap ka niya. Kailangan mo ring lumandi para mapansin ka niya.

Sa ngayon, I’m very much single, ready to mingle, available and loving it. Masaya ang buhay single. Malaya ako. Kahit kanino ko gustong sumawsaw, basta walang sabit, pwede. Walang guilt after ng deed. Pero syempre di ko matatangging masaya at masarap din yung may naglalambing sa’yo, yung may hahalik sa’yo ng walang dahilan, yung yayakap sa’yo ng mahigpit, yung may umaaway sa’yo kasi nagseselos, yung may pinagseselosan ka at higit sa lahat yung naaappreciate kung ano at sino ka.

Status: Naghahanap. Naghihintay. Umaasa.

Pic from: blog.flickr.net/en/2008/02/page/2/
Salamat! Kampai!

Yosi Break (Di ‘to Kamanyakan, Pramis!)

yosi

Ewan ko ba…

These past few days napapalakas na naman yata ang pagyoyosi ko. Normally, tatlong yosi lang ako per day. Minsan nga wala pa.

Ewan ko ba…

Siguro malungkot lang ako. Emo mode. Masyado lang bored. Toxic sa trabaho.

Ewan ko ba…

Hindi ko alam talaga kung bakit. Kahit ako nagtataka sa sarili ko. Gaya kagabi, habang nasa veranda ako ng flat na tinitirhan ko, dalawang sunod na yosi ang hinithit ko. Nakatingin ako sa kawalan. Napansin kong wala na namang mga bituin sa langit. Pagtingin ko sa unang yosing hawak ko, paubos na pala na hindi ko man lang naramdamang gumuhit ang usok sa lalamunan ko. Nakita ko na lang ang sarili kong nagsisindi ng panibago.

Ewan ko ba…

Siguro alam ko ang tunay na dahilan kung bakit napaparami ang yosi ko pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko. Hindi ko pa kaya. Wala akong lakas ng loob. Next time na lang.

Bahala na.